Grateful Dad #1.23: Pasasalamat sa araw na lumipas
Today wasn’t exactly a “perfect” day. We woke up early because Miguel suddenly began crying in the middle of the night from an apparent bad dream. That being the case, magpapakarga at magpapakarga yan, as many of you, my fellow parents, know.
Grateful Dad #1.23: Pasasalamat sa araw na lumipas
Relate ang ibang mga kapwa ko magulang sa ganitong challenging side of parenting. Kulang tayo sa tulog dahil nagising ang anak sa pagkakatulog. Hindi din titigil sa pag-iyak yan unless kargahin at ihele hanggang sa makatulog ulit.
Ganun na nga ang ginawa ko: kinarga ko pero sobrang antok ko pa so hindi ako makatagal ng nakatayo. Umupo ako sa kama ng karga sya, bale nakadapa sya sa akin habang nakaupo ako. Siguro inaantok pa din talaga si Miguel kaya hindi na tumanggi at nagreklamo.
Eventually, nakatulog din naman si Miguel and ako din naidlip pa. But because alanganin na ang oras, kinailangan ko na bumangon na agad to prepare for work. So that’s what we did. Every morning, on the way to work, umiidlip pa ako bus.
Sayang din kasi ang kaunting pahinga. Nakaidlip naman ako pero sobrang kulang pa din talaga sa tulog. Ayun tuloy, buong araw ako nagpipigil makatulog sa office. I was trying my very best na wag sumubsob sa laptop ko. Natapos ko naman ang urgent tasks ko at lumipas na ang araw.
By late afternoon, pagod na pagod na talaga ako. Anyway, since maaga kami nagising at nakaalis ng bahay, maaga din kami nakarating ng office. My only consolation is that we can leave early kasi flexi time kami sa office.
Well, hindi din ako exactly nakaalis ng maaga pero thankful pa din dahil maliwanag pa naman paglabas ko ng office. Rare opportunity din ito kasi laging madilim na ako nakakalabas ng office the past few months.
Pag madami dami ka talaga napagdaanan in a day, or even the past days and months, ang sarap lang i-appreciate ng “small treats.” In my case, it’s as simple as enjoying the view (kasi nga hindi madilim) on my favorite sidewalk as I walk to the bus station and finally call it a day (at work, at least).
Yun lang, medyo umaaliwalas na ang isip ko. Aaminin ko na medyo maraming hindi magandang nangyari lately sa personal na aspeto ng aking buhay pero ganun talaga.
Kailangan lang natin humanap ng positive distraction from the things around us. Yung mga mumunting nakakapgpasaya sa atin: kwentuhan sa mga mahal sa buhay, mga yakap ng anak, mga hobbies na tinutulungan tayo na muling lumakas.
Nakatulog naman kami habang pauwi, marahil nga sa sobrang pagod. Nakauwi kami ng maayos at gising pa ang mga bata. Nagawa pa namin makipaglaro sandali pero dahil gabi na din, nakatulog din sila agad.
Ayos na yun. Kahit papaano, bawi na din sa pagod. Time to take it slow and call it a night. Pwede na ulit sumabak sa mga hamon ng buhay.
Ikaw, how did your day go? What small wins are you celebrating today?
Also read: Grateful Dad #16.24: Meeting Halfway